Nagdulot ng magandang epekto ang Luzon-wide enhanced community quarantine sa kwalidad ng hangin sa Metro Manila na ipinatupad dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ulat, naitala ang mas maunting polusyon sa hangin dahil na rin sa iilang sasakyan ang bumibiyahe sa kalsada sa gitna ng quarantine period.
“Makikita natin talagang ‘yong drastic fall ng number when it comes to particulate matter, 10 noong ating pollution, ‘yong air quality natin. Would you imagine, umabot pa hanggang 85.18 percent ang drop ng numero dito sa may Marikina.” pahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda.
“But ‘yong iba, mayroong na-drop, average kung titingnan natin lahat is more than 50 percent talaga ‘yong na-drop,” dagdag pa nito.
Sa kabila ng positibong epekto ng mas kakaunting sasakyan, kinonsiderang ‘high time’ ni Antiporda ang proposal ng ‘carless days’ sa Metro Manila.
“’Yong air quality natin, puwede pala natin ma-improve kung kahit papaano, once or twice a year eh gawin natin na itigil na muna natin ‘yong paggalaw ng mga sasakyan,” paliwanag pa ni Antiporda.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *