Arestado ang isang babae na empleyado ng City Treasurers Office ng Manila City Hall dahil sa panloloko at pagnanakaw ng malaking halaga mula sa mga stallholders ng Paco Market.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Article 315 (Large Scale Estafa) at Article 310 (Qualified Theft) ang suspek na si Sherylet Lising, 38, dalaga, Admin Aide I ng CTO, at nakatira sa 1770 Bulacan Street, Sta. Cruz, Maynila na nasa kustodiya ngayon ng MPD-Special Mayors Reaction Team (SMaRT) sa ilalim ng pamumuno ni P/Major Rosalino Ibay Jr.
Naaresto si Lising sa loob mismo ng opisina ng City Treasurers office na matatagpuan sa ground flr. ng Manila City Hall.
Tumatayo namang conplainant sina Mary Grace Maliwat, 37 Liaison Officer ng Market Administration Office ng City Administration Office; Hector Salonga, 53, retail stallholder; at Vice President ng Paco Market Stallholder, Zandro Guce, 53; Hilda Caramancion, 45; Yolanda Flandez, 65, kapwa mga retail stallholder sa Paco market; Ginalynne Ignacio, 36, Stallholder ng nasabi ding pamilihan.
Pinangunahan naman nina P/Major Cicero M.Pura at P/Cpt.Edward G.Samonte ng SMaRT ang operasyon ayon na rin sa kautusan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Bago ang pag-aresto, dumulog ang mga complainant sa tanggapan ng SMaRT kung saan pinagkatiwalaan umano ni Maliwat ang suspek na magbayad ng 68 piraso ng Business Permits ng Paco Market Stallholders na tinatayang aabot sa halagang P604,450.00.
Ibinalik umano ng suspek ang official receipt (O.R.) ng na-sabing transaksyon kay Maliwat ng lingid sa kanyang kaalaman ang karamihan sa bahagi ng kabuuang binayaran, pinalitan ng Managers check na nagkakahalaga naman ng P487,067.68 na nakapangalan sa NCT Transnational Corporation na kanya ring aksiden-teng natuklasan kalaunan.
Kaugnay nito, dahil sa pagkakaiba at ‘di karaniwanang transaksyon, ibinirepika ito sa City Treasurers Office at natuklasan na ang Managers check ay ginamit na labag sa batas para sa ibang transak-syon kaya nagsagawa ng im-bestigasyon na nagresulta ng pagkakaaresto ng suspek.
Nakumpiska sa suspek ang Samsung Galaxy J7+, Nokia Keypad Mobile Phone, Passbook ng RCBC na nakapangalan kay Elmira R. Raagas at naglalaman ng P280,000.00.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *