ELLEN ADARNA ipinasilip na sa socmed ang kelot na ipinalit kay LLOYDIE

 

KASABAY ng  pagsalubong ng  Chinese New Year ay nanggulat din si Lovi Poe sa Instagram post ng pictorial session niya para sa Bench.
Kilala si Lovi na walang inaatrasang sexy pictorial basta hindi bastos ang dating. At tulad ng dati ay muling nagulat ang netizen sa sexy pictorial ng actress na halos makita na raw ang pinakaiingatan ng mga kababaihan na makita.
Takaw-pansin nga ang suot niyang super kitid na black bikini bottom na kapag kasingganda at sexy ni Lovi ang magsusuot ay siguradong matitigilan ka para pagmasdan.
Panay puri nga kay Lovi ng mga followers niya dahil sa kaseksihan at mapangahas niyang pagsuot ng daring bikini.

***

MARAMING katanungan ang naglabasan matapos na makita sa social media account ni Ellen Adarna na may kasamang lalaki na ang dating sa mga mapaglarong isip ay mistulang dyowa raw ng sexy actress.
Nasa Central America in Madrid si Ellen kasama ang mahiwagang lalaki na pinaghihinalaan ng iba ay siyang kapalit ni John Lloyd sa puso ng controversial sexy actress.
Although may mga kasama rin si Ellen na mga kaibigan sa naturang lugar.
Matatandaang late last year nang kumalat ang balitang hiwalay na sina Ellen at Lloydie kung saan nagkaroon sila ng isang anak na lalaki na si Elias Modesto.
Sigurado kapag nagkaroon ng pagkakataon ang press na makita si Ellen ay uuriratin ito ng katanungan kung ang naturang lalaking kasama niya sa pictorial sa Madrid ang kapalit ni Lloydie sa kanyang puso.
Ang larawan na ipinost ni Ellen na magkasama sila ng mahiwagang lalaki ay dinagsa ng comment ng kanyang mga followers at friends ng puro puso.
Last August sumabog ang tsikang nagising na lang daw isang araw si Ellen na ayaw na niya kay Lloydie. Si Ellen daw ang nakipagkalas kay Lloydie.
Kaya pala biglang nagka-interes muling bumalik sa pag-arte si John Lloyd ay hiwalay na nga sila ng former sexy actress na kahit nagkaanak ay nandoon pa rin ang kaseksihan at karisma sa mga barakong followers.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *