Posible narin umanong ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba pang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, gaya ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Mutual Defense Treaty (MDT).
Sa isang pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kung pagbabatayan ang body language ng Pangulong Duterte ay mukhang isusunod narin daw nito ang EDCA at MDT sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ilang ulit na aniyang sinasabi ng pangulo na panahon naraw para tumayo sa sariling paa ang Pilipinas at hindi na umasa sa ibang bansa at maging isang parasite.
Nakaangkla ang EDCA sa VFA, habang base naman sa MDT ay magbibigay ng suporta sa isa’t isa ang Pilipinas at Amerika sakaling mayroong pagsalakay mula sa labas.
Samantala, iginagalang ng Palasyo ang naging reaksyon ni US President Donald Trump sa pagbasura ng Pilipinas sa VFA.
Pero ayon kay Panelo, titingnan pa raw nila kung seryoso ang pahayag ni Trump.
Muli rin inihayag ng kalihim na hindi papansinin ng Pangulong Duterte ang anumang hakbang ng Amerika para iligtas ang kasunduan.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *