Duterte sobrang saya sa SEA Games opening - Sen. Go | Headline News

SOBRANG saya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian (SEA) Games, ayon kay Senator Bong Go kahapon.
“High spirits si Pangulo. Sabi niya, ‘Okay.’ He’s very happy,” ani Go sa media sa ambush interview.
“Generally, sabi niya he was very satisfied at masaya siya sa opening dahil masaya ang sambayanang Pilipino,” dagdag ng senador.
Kapwa dumalo ang Pangulo at ang Senador sa SEA Games opening ceremonies sa Philippine Arena kamakalawa ng gabi.
Pormal na idineklara ng Pangulo ang pagbubukas ng palaro.
Nang pumasok ang Philippine team sa entablado, hindi napigilan ng Pangulo na mapaindak sa awit ng OPM group Hotdog na “Manila”.
Magbibigay si Pangulong Duterte ng hiwalay na cash incentive bukod sa igagawad na Order of Lapu-Lapu sa Filipino athletes na magwawagi ng medalya sa SEA Games.
Sinabi ni Sen. Go na siya ang nagsuhestyon kay Duterte na bigyan ng hiwalay na cash incentive ang mga atletang Pinoy na SEA Games medalist bukod sa mandato ng batas.
Kahapon ng umaga, nakasungkit na ang Pilipinas ng mga medalyang ginto matapos magwagi sina John “Rambo” Chicano ng men’s triathlon, Agatha Wong sa women’s wushu, Kim Mangrobang sa women’s triathlon, sa women’s sepak takraw at dance sports.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close