Duterte siniguro ang tulong sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal

INATASAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na gawin ang nararapat na hakbang para matulungan ang mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakatutok si Pangulong Duterte sa sitwasyon, matapos makabalik kahapon ng umaga sa Malakanyang mula sa Davao City.
Ayon kay Sec. Panelo, Linggo ng gabi pa sana bumiyahe si Pangulong Duterte pero hindi pinayagan ng Civil Aviation Authority (CAAP) dahil sa zero visibility sa paliparan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Batay sa mga larawang ipinadala ni Sen. Bong Go na kasama sa biyahe ni Pangulong Duterte, 9:47 ng umaga lumapag ang kanilang sinakyang eroplano sa NAIA at sila ang tanging pinayagan munang makalapag ng CAAP.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *