Duterte sa mga kritikong nagsasabing mamamatay na siya: ‘Mamamatay ka din’

Binalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagsasabing siya ay maysakit at malapit nang mamatay.
Sa kaniyang talumpati sa pagbisita sa mga magsasaka sa North Cotabato, inalala ng pangulo ang mga kritiko na nagsasabing siya ay maysakit at malapit ng mamatay dahil umiitim na ang bahagi ng kaniyang mukha.
Ayon sa pangulo, hindi naman siya takot mamatay at alam niyang darating siya talaga sa puntong iyon.
Pero paalala niya sa taong nagsasabi na siya ay mamatay na, darating din ang panahon na ito ay mamamatay din.
“Talagang mamatay ako. Walang problema yan. Ang tao, mamamatay talaga. Kailan? Only God knows. Wag mong sabihing mamatay ako. Talagang mamatay ako. Pati ikaw ikaw p***** i** mong nagsasalita mamamatay ka din,” ayon sa pangulo.
Noong nakaraang taon, binatikos ng pangulo si dating Senador Kit Tatad dahil sa pagsasabing pumayat siya bunsod ng pagsailalim sa kidney transplant.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *