Duterte nais magkaroon ng evacuation center sa mga lugar na madalas may kalamidad

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng matitibay na evacuation center sa mga madalas dapuan ng Kalamidad.
Ito ang ginawang pahayag ni Pangulong Duterte sa isang situation conference sa Batangas.
Gayundin na dapat hiwalay ang palikuran sa paliguan para makagamit ng indibidual ang bawat isa sa mga evacuation center.
Binigyan diin ni Pangulong Duterte ang lalawigan na madalas may kalamidad tulad ng Samar, Leyte at Isabela.
Gayundin sa conference ay kaniyang pinakinggan ang mga ulat ng mga tulong na pinarating ng iba’t ibang ahensya.
Kasama sa conference sina DND Lorenzana, Sen. Bong Go, Nia GM Ed Monreal at iba pang kaakibat na ahensya ng gobyerno sa pagtulong sa mga evacuees.
(Vanz Fernandez)

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *