Tatanggap ng P60,000 bilang bonus ngayong Pasko ang mga kawani ng Office of the President.
Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati kasabay ng pagpapailaw ng Christmas tree sa Malacañang nitong Lunes ng gabi.
Kinumpirma rin ito ni Assistant Executive Secretary Annalyn Tolentino ng Social Secretary’s Office.
Pinasalamatan naman ng pangulo ang mga kawani ng Office of the President dahil sa kakaibang serbisyo nila.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close