Kinumpirma ng Malakanyang na mayroon nang napipisil si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapalit kay Dr. Roy Ferrer para mamuno sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nabanggit sa kanya kamakalawa ni Pangulong Duterte ang pangalang Dr. Jaime T. Cruz.
Inamin naman ni Senator-elect Christopher “Bong” Go na ang gustong ilagay ni Pangulong Duterte sa PhilHealth ay si Dr. Jaime Cruz pero wala pa itong sagot sa inialok na puwesto.
Si Dr. Jaime Cruz ay isang medical doctor at kasalukuyan ding president at chief executive officer ng JTC Corporation na nagmamay-ari ng iba’t ibang food chain stores sa Metro Manila at Davao City.
Kabilang dito ang Jollibee at Red Ribbon.
Kung maaalala, inihayag ni Pangulong Duterte na ang nais niyang mamuno sa PhilHealth ay hindi lamang basta doktor kundi mayroon ding kaalaman sa financial management.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *