Duterte, kumpiyansa parin kay Guerrero

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumpiyansa parin siya kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Kumalat kasi ang ulat na inalok umano ng pangulo ang nasabing pwesto kay special envoy to China William de Jesus Lima sa isang hapunan sa Malakanyang.
Sa ambush interview matapos ang pagbisita sa Philippine Marine Corps (PMC) sa Taguig City, si-nabi ng pangulo na tiwala pa rin siya kay Guerrero.
Ayon sa pangulo, mayroon pang mga trabahong kailangang gawin si Guerrero para ayusin ang BOC.
Kabilang na aniya rito ang internal cleansing dahil mayroon pa rin aniyang natatanggap na reklamo.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *