Duterte ipinagsigawang ‘sanctuary’ ng malalaking drug personalities ang Batangas

SA kanyang pagsasalita tungkol sa pagputok ng Taal Volcano sa Batangas Sports Complex, ipinagsigawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na napaka-talamak ang iligal na droga sa Batangas, pugad ng malalaking drug personalities.
“Ang Batangas talaga is a — it remains to be a red spot. Marami dito talagang gustong yumaman. Of course, mayaman ka, you get all the perks that life can offer. Money. But it’s going to be a short- lived, at least during my term. Ako nagwa-warning na ako. So maybe in not so many incidents malaman ninyo ‘yan,” banta ng Pangulo.
“And it’s true because you are into drugs. Do not s*** me with ano. Nakikita ko kasi ‘yung bangko ninyo. Kung makita kong may bilyon-bilyon ka, saan mo kinuha ‘yang p***** i**** ‘yan? Mayor ka lang tapos may billion ka sa bangko?” dagdad niya. Itong “useless idiots” ay dapat mapatay.
“Drugs will kill the youth of the land. Tsaka ‘yung magte-take over — well, a good number of them would be… Alam mo ‘pag nabuang na sa droga, nabuang na talaga ‘yan. Wala na. They are useless idiots, might as well kill them,” ngitngit ng pangulo.
Tinuligsa naman ng netizens ang mga sinabing ito ni Pangulong Duterte: “Pumunta ka rito sa Batangas para tingnan ang kalagayan naming evacuees, kung anong maibibigay mong tulong sa amin, tapos tungkol sa mga pagpatay sa iligal na droga ang ibibida mo at aakusahan mo ang probinsiya namin na talamak ang droga. Ikaw ang idiot!”

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *