Wala umanong balak si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa nakatakdang proklamasyon ng kanyang long-time aide na si presumptive Senator Bong Go.
Sinabi ni Go, hindi sasama sa kanya sa Philippine International Convention Center si Pangulong Duterte para sa gagawing proklamasyon ng National Board of Canvassers.
Kung maaalala, inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na naghahanda ang kanilang hanay sa posibilidad na pagdalo ni Pangulong Duterte sa proklamasyon ng mga nanalong senador.
Pero batay sa advisory ng Malacañang, nasa Palasyo lamang ang pangulo para sa presentation ng credentials ng ambassador ng Thailand.
Nabatid na noong filing ng certificate of candidacy, biglang sinamahan ni Pangulong Duterte si Go sa tanggapan ng COMELEC sa Maynila.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *