Duterte ‘bababa’ sa puesto kapag napatunayang korap | National News

Duterte ‘bababa’ sa puesto kapag napatunayang korap

Handang magbitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung siya ay kurakot.
Sa katunayan nga aniya ay suweldo lang niya ang kinukuha niya mula sa pamahalaan.
“I only get P200,000. Magtanong ka dito sa opisina, maski tsismis, kung nakialam ba ako sa negosyo. I do not sign commercial papers, government transactions… It’s out of my job description. Ang aking kinukuha lang dito, suweldo,” anito sa one on one interview sa kanya ng CNN Philippines.
Matatandaang noong nakaraang taon ay ikinapit kay Pangulong Duterte ang alegasyon na may mahigit P40 milyon ang nilalaman ng bank account nito.
Ang buwelta naman ng Pangulong Duterte sa kanyang mga kritiko ay sumama sa kanya sa Bangko Sentral ng Pilipinas para i-check ang kanyang bank account.
Wala ni isa man sa kanyang mga kritiko ang pumatol sa hamon na ito ng Punong Ehekutibo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close