DU30, Go umayuda sa Taal Volcano evacuees

BINISITA at binigyan ng ayuda nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador “Bong” Go ang higit sa 1,214 pamilyang naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas City.
Pinulong ng Pangulo ang mga kinauukulang opisyal kung paano mahaharap at malulutas ang mga problemang kinakaharap ng bansa, partikular ang posibilibad na muling pagsabog ng bulkan anomang oras.
Pinangunahan nina President Duterte at Sen. Go ang ceremonial distribution ng calamity aid na binubuo ng food packs at cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), hygiene kits mula sa Department of Health (DOH) at iba pang food items mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Maging ang Department of Agriculture (DA) ay nagbigay ng livelihood at financial assistance para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan.
Sa naturang briefing, iniutos ng Pangulo ang mabilis na pagtatayo ng mas matibay na evacuation centers at umaasa ang Chief Executive na matatapos ang mga ito bago matapos ang kanyang termino.
“I hope that you can finish it before my term ends… I want projects that are doable and can be finished doing my term,” anang Pangulo.
Sinabi naman ni Sen. Go na suportado niya ang kautusang ito ng Pangulo na pagtatayo ng mga permanent evacuation centers, lalo sa mga lugar na palaging tinatamaan ng natural disasters.
Matatandaang naghain kamakailan si Go ng panukala o Senate Bill (SB) No. 1228 na naglalayong magtayo ang bawat siyudad, munisipalidad at probinsiya ng mga evacuation centers.
Ayon sa senador, kinakailangan na talaga ang mga permanenteng evacuation centers sa buong bansa para na rin sa kaligtasan ng ating mga kababayan sa panahon ng mga kalamidad.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *