DTI nagbabala sa mga negosyanteng nagtaas presyo ng face masks

Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyanteng magsasamantala sa mataas na demand ng face at gas masks.

Kasunod ito ng ulat na sumirit ang presyo ng mga face at gas masks matapos ang naranasang ash fall sa malaking bahagi ng Luzon bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal nitong Linggo.

Ayon sa DTI, nagpakalat na sila ng mga tauhan na magbabantay at susuri sa paggalaw ng presyo ng mga ibinebentang masks.

Babala ng DTI, hindi sila magdadalawang isip na kasuhan ang mga retailers o tindahan na mapatutunayang nagpatupad ng hindi makatuwirang pagtaas sa presyo ng mga gas masks, face masks at iba pang katulad na gamit.

Iginiit ng ahensiya, maituturing anila itong profiteering o labis-labis na paniningil.

Dagdag ng DTI, wala ring pagbabago sa presyo ng mga pangunahing bilihin alinsunod sa kanilang ipinalabas na suggested retail price bulletin.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *