Drug chemist Korean huli sa mini drug lab sa QC | Top Stories

Drug chemist Korean huli sa mini drug lab sa QC

ARESTADO ang isang Korean national na umano’y “drug chemist” nang makuhanan ng mga sangkap sa paggawa ng iligal na droga at pag-kakatuklas ng drug kitchen laboratory sa Quezon City.
Nakilala ang suspek na si Jungkil Kim alyas Joseph, 57 anyos, nanunuluyan sa 3035 Tower 3 Grass, Nueva Vizcaya St. corner Misamis St., Bgy. Sto. Cristo, Quezon City.
Ayon kay General Debold Sinas, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), 3:00 ng hapon nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng National Bureau of Investigation, Manila Police District, at Quezon City Police District Station 2 – Masambong Police ang bahay ng suspek.
Ang operation ay isinagawa ng mga otoridad sa bisa ng ‘search warrant’ mula sa korte.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close