House of the People

AYOS, palakpakan! Mabuti na lang may pagka “brusko” ang style ni President Rodrigo Duterte, kundi yari tayo sa dalawang hinayupak na water concessioners, ang Manila Water na pag-aari ng Ayala Corporation at Maynilad Water Services napag-aari naman ni Manny V. Pangilinan.
Sumabog ang matinding galit ni Pangulong Duterte dahil kailangan daw magbayad ng Pilipinas ng P7.4 billion sa Manila Water at P3.4 billion naman para sa Maynilad sa kautusan ng Singapore-based Permanent Court of Arbitration bilang kabayaran sa nalugi sa rate increases.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, agad nagmalinis si Manila Water Co. Inc. President and CEO Mr. Jose Almendras hindi na maniningil ang Manila Water sa gobyerno ng P7.4 billion pesos at wala muna silang ipapatupad na water rate increase.
Hindi ko talaga mawari bakit nakikinabang sila sa natural water resources ng ating bansa inilagay sa kontrata na ito ay commodity at kung sumingil naman, wagas!
Ilublob ko kaya kayo sa isang bariles ng tubig?
Saka, hindi ko rin maatim bakit ang Singapore ang mag-uutos sa atin na bayaran ang Manila Water at Maynilad? Bakit?
Ang masakit pa sa kalooban ko, sa unang sultadahan pa lang may alam na si Senator Frank Drilon na onerous o mabigat na pasanin sa nilalaman ng kontrata at 22 taon siyang nagsawalang-kibo. Hindi man lang niya ipinaglaban ang taumbayan!
Nakuha pa niyang mag-warning kay PRRD na magbabayad ang sambayanang Pilipino kapag ito ay pinakialaman!
Si Drilon ay ibinoto ng taumbayan pero naglingkod siya para sa mga mayayaman!
Mag-resign ka na, Drilon! Nakakahiya ka!

2020 national budget, aprub

IPINAGMALAKI ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagpapatibay sa 2020 General Appropriations Bill na walang pork, no parked funds, at no delays with full transparency.
Pinuri at pinasalamatan ni Speaker Cayetano ang Bicameral Conference Committee sa maayos na pagbusisi at napapahong pag-aproba sa 2020 General Appropriations Bill.
Ang 2020 aniya ay isang symbolic year na nagpapakita ng perfect vision na kabahagi si Panglong Rodrigo Duterte na magbigay ng ligats at komportableng pamumuhay sa bawat Filipinos.
Ang maagang pag-apruba ng komite ay magbibigay sa Pangulo ng sapat na panahon upang suriin ang mga probisyon sa panukala at tiyaking ito ay naaayon sa priority programs ng administrasyon.
Ayon kay Speaker Cayetano kanilang inihahabilin ito sa Departments, Agencies, at Executive branch ang pagpapatupad ng mga proyekto na may full transparency at walang korapsyon.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *