Donaire tiklop kay Inoue

NABIGO si Filipino boxer Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr sa kamay ni Naoya Inoue.
Nasikwat ng Japanese boxer ang unanimous decision na panalo para isukbit ang bantamweight championship ng World Boxing Super Series.
Hawak ni Donaire ang kalamangan sa unang round ng laban sa Saitama Super Arena subalit nakabangon ang Japanese boxer.
Pagtuntun pa lamang ng 11 round ay napatumba nito ang Pinoy boxer.
Nasugatan sa kanang kilay niDonaire ang Japanese boxer na siyang target nito sa ikalawang round.
Subalit mabilis na naiba ng timpla ng 26-anyos na boxer ang laban at pinaulanan ng mga suntok ang 36-anyos na si Donaire.
Sa pagharap nito sa mahigit 20,000 na audience, sinabi nito na ipinagmamalaki niya ang kaniyang sarili at gagawin niya ang lahat para maging all-time best boxer.
May record na si Inoue na 19 panalo at walang talo na mayroong 16 knockouts habang mayroong 40 panalo at anim na talo si Donaire.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close