Dokumento ng DA muna bago ilabas sa Aduana

Sa tindi ng paghihigpit na maprotektahan ang bansa sa lumalalang African Swine Flu (ASF), naghigpit ang Bureau of Customs (BOC) na ipatupad ang kautusan ng Department of Agriculture (DA) batay sa sinasaad ng Article IV, Section 12 paragraph (b) of the Republic Act No.10611, otherwise known as the Food Safety Act of 2013, kung saan sinasabing imported foods ay isasailalim ng cargo inspection and clearance procedures ng DA at ng Department of Health (DOH) sa unang pantalang ipasok ito, upang mabatid kung ito ay nakatupad sa pangkalahatang regulasyon, kung saan ang naturang inspeksyon ng DA at ng DOH na pairalin bago ito pagbayarin sa assessment ng taripa at iba pang ikakargo ng BOC.
Bilang pagtalima sa naturang regulasyon siniguro ng BOC ang kaligtasan ng consumers upang maprotektahan laban sa mga pumapasok na pagkain na naglalaman ng sakit, particular na ang ASF, kung saan ang BOC ay regular na nagbibigay ng dokumento ng DA at ng DOH tulad ng Inward Foreign Manifest of Arriving Vessels upang may mapagkakilanlan ang shipments na nangangailangan ng food safety inspection.
Upang mapatunayang ligtas ang publiko, sa sandaling dumating ang barko mula sa port of origin sa iba pang pantalan ng papasukan sa bansa, pormal na pinapanik ito at mahigpit na nagsasagawa ang BOC at ang Quarantin Officers ng Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR) ng puspusang inspeksyon.
Ayon kay BOC Spokesperson and Assistant Commissioner Atty. Vincent Philip “JET” Maronilla lahat ng imported agricultural goods na nasa reefer containers ay dumadaan sa inisyal na eksaminasyon ng DA kasama ang BOC examiners, kung saan makaraan ang inisyal na eksaminasyon, lahat ng reefer container ay dadaan sa 100% eksaminasyon ng BAI,BPI at BFAR sa kanilang accredited warehouses, kung saan bago ito ilabas sa bakuran ng Aduana ay magkakaroon din ng 100% ang National Meat Inspection Service (NMIS).
Samantala ipinahiwatig naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ang BOC ay masugid na inaaktuhan ang ulat ng shipments na naglalaman ng mga smuggled goods at iba pang mga kontrabando, kung saan seryosong ipinatutupad nito ang batas sa tamang paraan laban sa imported na baboy at produktong karne mula sa ASF-hit country.
Matatandaan ang BOC ay nakatimbog sa magkahiwalay na operasyon ng apat na kontayner na misdeclared meat products na tinatayang nasa Php7-milyon sa Port of Manila at ang isang huli nitong Php 1.9 milyon halaga ng pork products na nakumpiska sa Port of Subic.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares
Tagged :

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close