Namatay ang isang doktor ng Provincial Health Officer ng Pampanga dahil sa Corona Virus Disease o COVID-19.
Base sa facebook post ni Cielo Jaochico anak ng yumaong si Dr. Marcelo Y. Jaochico kinumpirma nito na namatay sa virus ang kanyang ama.
Dakong 6:00 ng hapon namatay ang batikang doktor ng probinsya na itinuturing na bayani ng mga kapangpangan o Cabalen dahil sa kontribusyon at dedikasyon niya sa trabaho.
Nagluluksa ngayon ang mga Cabalen dahil sa biglang pagpanaw ng kanilang kababayan dahil sa pakikipaglaban sa COVID-19.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *