Doktor na nasa viral road rage videos ipinatawag sa LTO | Headline News

Doktor na nasa viral road rage videos ipinatawag sa LTO

doktor
Inatasan ng LTO si Tomas Joaquin C. Mendez na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City ngayong araw December 5, alas-2:00 ng hapon.
Pinaghahain din siya ng Sworn Explanation sa inilabas na show cause order at pinagpapaliwanag kung bakit hindi dapat managot sa ilalim ng Section 27 ng Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Sa ilalim ng Section 27 may kapangyarihan ang LTO na suspindihin o bawiin ang driver’s license kung ang nagmamay-ari nito ay mapapatunayang hindi karapat-dapat.
Base sa mga video na kumalat, pinagsasalitaan ng hindi maganda ni Mendez ang mga motorista na nakatalo niya sa kalye.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close