KINASTIGO ng Lions Clubs International ang isang doktor na inaresto kamakailan  ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta ng overpriced thermal scanners habang nahaharap ang bansa sa krisis ng Coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Kasabay nito, itinatwa ng Lions Clubs International na miyembro nito si Dr. Cedric John Sarmiento de Castro na inaresto ng mga operatiba ng NBI-Special Action Unit (SAU) sa kanyang bahay sa Quezon City noong Martes dahil sa pag-aalok ng overpriced thermal scanners sa pamamagitan ng social media.
Isang NBI agent na nagpanggap na kostumer ang nakipagkasundo sa duktor na bibili ng 150 pirasong thermal scanners na nagkakahalaga ng P9,300 per unit. Sa merkado, ang  halaga ng thermal scanners ay nasa P500 hanggang P1,500 lamang.
Ang mga ibinebenta umanong thermal scanners ni De Castro ay donasyon lamang sa kanya, gamit ang pangalan ng Lions Club.
Sa isang statement, sinabi ng Lions Clubs International State Council of Governors na hindi na kasapi ng asosasyonsi De Castro simula pa July 2019.
“The Lions Clubs of the Philippines are not aware of his alleged actions, and we condemned any unauthorized solicitations of donations in the name of Lions Clubs Philippines for personal gain. Lions charitable programs are documented with transparency and integrity, and are subject to audit before and after execution,” ayon kay Michael So, council chairperson.
Dismayado ang Lions Clubs International dahil ginagamit ni De Castro ang malinis na pangalan ng asosasyon para sa kanyang personal na interes.
“We are non-political, non-profit humanitarian organization and our motto is “WE SERVE”. Our most recent humanitarian projects are the relief missions for more than 5,000 families of Taal evacuees, and our ongoing relief operations for families affected by the Covid-19 health and economics crisis,” ang pahayag ng grupo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *