INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang doktor dahil sa pagbebenta ng overpriced na thermal scanners.
Kinilala ang suspek na si Dr. Cedric John De Castro, isang medical doctor.
Nahuli ang suspek ng NBI-Special Action Unit sa isang operasyon nitong Marso 24, 2020.
Sa ulat, nagbebenta ang naturang doktor ng thermal scanners sa halagang P9,500 kada piraso.
Napag-alaman na ang mga nasabing thermal scanners, sinasabing donasyon sa suspek, bilang siya ang presidente ng Lion’s Club, New Manila.
Ayon sa report, ibinebenta ni de Castro ang kabuuang 150 units ng thermal scanners sa halagang P1.2 million. Gayung ang thermal scanners, dapat nagkakahalaga lamang ng P800 hanggang P1,500 bawat piraso.
Mahaharap ang suspek sa kasong profiteering at hoarding

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *