“DITO kayo mag-Valentines. Bring your loved ones at damahin ninyo ang libreng atraksyon ng ating musical dancing fountain.”
Ito ang bukas na paanyaya ni Mayor Isko Moreno sa lahat ng residente ng Maynila at maging sa labas ng lungsod makaraang pasinayaan ang interactive musical dancing fountain sa harap ng Bonifacio Shrine kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang talumpati, si Moreno kasama ang mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna, maybahay na si Dynee at anak na si Joaquin ay nagpasalamat sa mga miyembro ng private sectors na tumulong, gayundin kay city engineer Armand Andres sa tagumpay ng nasabing proyekto.
Tinatayang nasa ilang libo ang dumalo sa nasabing pagdiriwang kung sumaksi sa makulay at masayang pagbubukas ng musical dancing fountain kung saan ang lugar ay malalakaran sa umaga.
Ayon kay Moreno, ang lugar ay nagpapalit ng anyo sa gabi at nagiging makulay, masaya sa pamamagitan ng iba’t ibang kulay ng tubig na nagsasayaw sa saliw ng musikang Pinoy.
Umaabot sa taas na 20 talampakan ang makulay na tubig kung saan nabubuo ang anyo ng watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng drone shot.
Itinaon aniya ni Moreno ang pagpapasinaya ng fountain malapit sa araw ng mga puso upang magsilbing puntahan ng mga magsing-irog, pamilya at iba pa na magdiriwang ng kanilang araw ng mga puso.
Idinagdag pa ni Moreno na ang konstruksyon ng magarbong fountain ay sa pamamagitan ng tulong ng Smart/PLDT, Meralco at Maynilad at walang isa mang sentimo na kinuha sa pera ng mamamayan para sa nasabing proyekto.
Ang fountain ay karagdagang atraksyon sa pinaganda ng Bonifacio Shrine na paborito ng pasyalan ng mga turista, lokal man o dayuhan dahil sa ito ay malinis at maaliwalas.
Matatandaan na noong nakaraang administrasyon ang lugar ay nasalaula dahil ito ay ginawang palikuran kung saan nagkalat ang dumi at ihi ng mga tao at hayop. Naging pugad din ito ng mga snatcher, adik at palaboy at sa umaga ay lugar naman ng mga illegal vendors.
Inatasan ni Moreno si Andres na linisin, ayusin at ibalik sa dati ang Bonifacio Shrine upang maging karapat-dapat sa taguring dambana ng pambansang bayani na si Gat Andres Bonifacio.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *