Dep’t of Disaster Resilience Bill, pinasesertipikahang urgent kay Duterte

Pinasesertipikahang urgent ng ilang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Binigyan diin ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin ang kahalagahan nang pag-apruba sa lalong madaling panahon ng panukalang batas na lilikha sa kagawaran na tututok lamang sa disaster emergency response sa bansa.
Ito ay matapos na mag-alburuto noong Linggo, Enero 12, 2019, ang Taal Volcano sa Batangas, na nagpakawala ng mapanganib na abo na umabot pa ng hanggang Metro Manila.
“Several disasters have befallen our country in the past weeks and months, but the Department of Disaster Resilience bill has hardly moved,” ani Garbin.
Nanawagan naman ang kongresista kina Human Settlements Sec. Eduadro Rosario at Interior Secretary Eduardo Año na pangunahan ang pakikipag-ugnayan sa mga lugar sa palibot ng Taal tulad ng mga probinsya ng Cavite, Batangas at Rizal.
Kinalampag din nito ang mga ahensya ng pamahalaan na magpatupad ng no-build zones sa mga lugar na natukoy bilang permanent danger zones upang sa gayon maiwasan ang pag-kalagas ng buhay sa tuwing mayroong mga sakuna.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *