Matapos ang 17 taon na pagkakakulong sa Pasig City Jail, napatunayan sa korte na nagkasala ang da-ting That’s Entertainment star na si Dennis da Silva sa panghahalay sa 14-anyos na anak ng kaniyang live-in partner.
Sa ulat, ilabas ng Pasig City Regional Trial Court Branch 261 ang desisyon kontra kay Dennis noong Biyernes, February 7, kung saan pinatawan si Dennis ng parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong dahil sa 15 counts of rape.
Bukod pa rito ang apat hanggang anim na taon na pagkakakulong din dahil sa four counts of child abuse.
Inutos din ng korte na magbayad si Dennis ng abot sa P4.5 million dahil sa panggagahasa sa mga damage na nagawa nito sa bata at pinagbabayad din ng P380,000 si Da Silva para naman sa child abuse.
Naaresto si Dennis taong 2002 pa.
Ipinahayag ni Dennis ang kagustuhan niyang makalaya at magbagong buhay.
Aniya, “Makalaya ako at secondly ‘yung family ko sana hanggang sa huling laban andyan sila para sa akin.
“Ako’y naniniwala lahat tayo ay may pag-asa.”
Si Da Silva, kasalukuyang nakadetine sa Pasig City Jail, ngayon 47-anyos na ang dating aktor na nakilala sa Captain Barbell at Ninja Kids and the Samurai Sword.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *