Dating konsehal galing sabungan, patay sa ambush

Aklan – Patay ang isang dating konsehal matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek lulan ng motorsiklo sa probinsya ng Aklan.
Kinilala ang biktimang si John Rondario, 49-anyos at residente ng So. Baid, Brgy. San Roque, Malinao.
Sa report, 10:00 Linggo ng gabi nang maganap ang insidente, may ilang metro ang layo sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, 9:40 ng gabi ng umalis galing sa sabungan ang biktima at pauwi na ito sakay ng kanyang motorsiklo.
Pagsapit sa nasabing lugar, bigla na lamang hinarangan ng isang motorsiklo ang kanyang daanan habang ang isang motorsiklo at pinaulanan ng bala ng baril si Rondario.
Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay habang mabilis na tumakas ang mga suspek.
Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente nakapulot sila ng 3 slugs at 1 live ammo ng cal. 45.
Paniwala ng otoridad maa-ring may kinalaman sa pulitika ang motibo sa krimen.
Nabatid na tatlong terminong nanungkulan bilang punong barangay ang biktima ng San Roque.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *