VIRAL ngayon ang isang larawan na nagpapakita na binayaran nila ng halagang P50 ang quarantine pass sa isang barangay sa Catanusan, Minabalac, Camarines Sur.

Dahil sa ipinapatupad na ‘enhanced community quarantine’, binigyan ng direktiba ang bawat lokal na pamahalan na bawat barangay sa buong bansa, magbibigay ng quarantine pass.

Kinakailangan na isa sa bawat miyembro ng pamilya, mayroong quarantine pass upang payagan sila na makalabas at makapamili ng mga kinakailangan sa araw-araw tulad ng pagkain.

Ang quaratine pass mandatory at libreng ibinibigay ng barangay sa bawat kabahayan na kanilang nasasakupan. Alinsunod na rin ito sa patakarang ipinapatupad ng pamahalaan at ng Department of Health upang masiguro na kaunti lamang ang taong lalabas upang masunod ang social distancing. Isa narin ito sa mga paraan upang mas mapigilan pa ang pagkalat ng virus.

Kalat naman ngayon sa social media ang isang larawan na tila resibo na nagpapakita na may bayad ang quarantine pass.

Sa larawan, nakalagay na “Amount: P50.00” na nagpapakita na binayaran ang quarantine pass na ito sa halagang P50.

Galit naman ang nag-post nito na si Anjhoe Basagre dahil ginawa umanong negosyo and pamimigay ng quarantine pass na dapat libre lang.

Hindi naman ikinatuwa ng netizen ang pamemera  ng mga opisyal ng barangay sa mga tao. Ayon sa kanila, malinaw na ipinamimigay lamang ito ng libre kung kaya’t bakit naniningil pa ng bayad ang mga ito.

Sa kabilang banda, wala pang naging opisyal na kumpirmasyon ang nasabing lugar kung totoo nga ang kumakalat na larawan at kung talagang pinagbabayad nila ang mga tao para makakuha ng quarantine pass.

Ilang oras naman matapos mag-viral ang post, tila binura rin ito ng uploader.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *