Raket sa Philhealth sa Palompon General Hospital (Leyte)

Pinapaalam ko sa Integrity Monitoring Enforcement Group ng PNP na pakihuli nyo ang napakadaming Video Karera dito sa Novaliches Proper. Na ang may-ari ay isang babae na tinatawag nilang Madam. Malakas ito sa Precint Commander ng Presinto 4 ng Novaliches, Q.C. Tinitimbrihan ng mga Pulis ang mga tauhan ni Madam pag may ibang pangkat ang nanghuhuli dito sa Novaliches Proper. – Concerned citizen

Binabastos na tayo ng Chinese sa sarili nating lugar

ANG YAYABANG NG MGA DAYUHANG MAINLAND CHINESE SA ATING BANSA. WALANG GALANG SA OTORIDAD AT SA ATING BATAS, DINUDURAAN LANG ANG MGA PULIS. MALINAW NA KAHIT DAYUHAN LANG SILA DITO AY 2ND CLASS CITIZEN ANG TINGIN SA MGA PINOY. PALIBHASA NILULUHURAN SILA NI DUTERTE. HINDI NA TAYO TUTA NG KANO PERO TUTA NA TAYO NG MGA BASTOS AT AROGANTENG TSINO NA NAGHATID NG SARI-SARING PROBLEMA SA BANSA. – Concerned citizen

Mga kritiko atat mapatalsik si Pres. Duterte

Atat na ang mga kritiko ng Pangulong Duterte na mapasakamay nila ang Malacanang kaya nananawagan na sila ng pagpapatalsik sa kasalukuyang gobyerno. Huwag mainip ang mga nagpapanggap na puwersang demokratiko dahil may termino naman ang panunungkulan ng bawat pangulo. Huwag mag-apura dahil ang nagmamadali ay malimit natitisod at nauuntog. Sa demokrasya, eleksiyon ang sistema ng paglululok, hindi tama na mga elitista ang nagdidikta. Igalang ang pinili ng nakararami. Si Duterte ay mayroon din mga kapintasan, ang lahat naman ay may dungis, kahit ang mga anghel ay nagkakaroon din ng sungay. Pwe! – Zeny Veronica

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *