DALAGANG ANAK NINA SEN. KIKO AT SHARON CUNETA INUPAKAN SI PRES. DUTERTE | Headline News

DALAGANG ANAK NINA SEN. KIKO AT SHARON CUNETA INUPAKAN SI PRES. DUTERTE

MATAPOS ianunsyo ni Pangulong Rody Duterte na pinalalayas ng actress na si Sharon Cuneta ang kanyang mister na si Senador Kiko Pangilinan sa kanilang bahay, galit na galit na sumagot sa social media ang dalagang anak ng mag-asawa.
Sa kanyang Twitter account, dismayado ang 19-anyos na anak nina Senador Kiko at Sharon na si Frankie Pangilinan sa inanunsyo kamakailan ni Pangulong Duterte tungkol sa kanyang mga magulang.
“Hala buti pa siya alam,” Tweet ni Frankie.
“Imagine making yourself dinner in your tiny apartment and tucking yourself into bed with a warm blanket only to get a notification informing you your parents are arguing daw. It’s not either of your parents, it’s not your sister, not the dog, it’s rodi,” sabi pa ni Frankie patungkol sa pangulo bilang “Rodi.”
Si Frankie ay lilipad sa New York City ngayong taon para doon ipagpatuloy ang kanyang college education.
“Like imagine being more concerned with ‘ruining’ a perfectly happy family instead of… being… a good leader…,” tirada pa ni Frankie kay Pangulong Duterte. “omg when he resigns ur welcome!”
Para patunayan na walang katotohanan ang inanunsyo ng pangulo tungkol sa kanyang mga magulang na “troubled relationship”, tinawagan niya ang kanyang sister Miel para kuhanan ng larawan ang kanyang mga magulang na masayang magkasama.
“In conclusion, it’s 4:50 am here in new york city. i’m exhausted and have plenty of homework. but if you come for my family, i’ll come for u.”
“Also I mean.. U (killing) my countrymen so I was coming for you either way this just mean i’d come for u on twitter,” sabi pa ng dalagang Pangilinan.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close