Dahil sa utos na rebisahin ang ilang transaksyon ng dating administrasyon:.. ISKO PINAGBABANTAAN

MAY panibagong pagbabanta at pananakot na naman ang patuloy na natatanggap ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso.
Ang mga nasabing threaths ay natanggap ni Moreno sa pamamagitan ng text messages kung saan ayon sa kanya ay may kinalaman sa utos niyang rebisahin ang nakaraang ilang transaksyon na pinasok ng dating administrasyon.
Sa kanyang talumpati sa isang awarding ceremony sa Makati City bilang guest speaker ay ipinagkibit-balikat lamang ni Moreno ang mga pagbabanta sa kanyang buhay dahil aniya wala namang mawawala sa kanya.
Sinabi ni Moreno na hindi niya hahayaan ang mga ganitong uri ng pagbabanta para hindi matuloy ang kanyang plano para sa Maynila.
Layunin ng alkalde na tapusin ang kanyang termino bilang alkalde ng siyudad sa pagsisikap na gawin ang Maynila bilang mapayapa, maganda at maunlad na siyudad para sa lahat.
Ayon kay Moreno, labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga natatanggap na papuri sa kaayusan at kalinisan ng Maynila at hangad niya na panatilihin ito alinsunod sa mga programang inilatag para dito.
Nanawagan rin si Moreno sa lahat ng taga-Maynilla na tulungan ang siyudad at pairalin ang bolunterismo na gawin ang nararapat nang hindi na kailangan pang sabihan.
“Tinitiyak ko, isosoga ko lahat ng aking political capital. Samahan n’yo ko, this is your chance,” ayon pa kay Moreno.

  • 7
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    7
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close