WASTE SEGREGATION ISTRIKTONG IPATUTUPAD SA MAYNILA — ISKO

PINURI ng dalawang pinakamalaking  public transport organizations sa bansa si Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang mabilis at positibong aksyon sa pagkakaloob ng kailangang tulong sa kanilang mga miyembro, kasabay ng kanilang panawagan sa iba pang local government units na ganun din ang gawin para sa iba pang mga drivers sa bansa na apektado ng enhanced community quarantine.

Napag-alaman kahapon na mayroon ng 39,000 food boxes ang naipamigay sa mga higit na apektadong residente ng lungsod ng mga City Hall staff at volunteers sa superbisyon ni  Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at Manila social welfare chief Re Fugoso.

Umapela naman si Fugoso na sana ay maunawaan ng ilang hindi pa nakakatanggap ng food boxes na kulang ang kanilang manpower para sa mabilisang pagre-repack ng mga mga food packs. Tiniyak naman niya na lahat ay makakatanggap.

Sa isang television interview, sinabi nina Obet Martin at Zeny Maranan, presidente ng Pasang Masda at  Federation of Jeepney Operators and Drivers’Association of the Philippines (FEJODAP) na labis ang kanilang pasasalamat kay Moreno na nauna ng nakipagkita sa kanila upang tiyakin na magpagkakalooban ng ayuda ang lahat ng kanilang miyembro sampu ng pamilya ng mga ito sa nagaganap na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Martin, sinabi aniya sa kanya ni Moreno na dati ring pedicab driver at namuhay ng isang kahig isang tuka na pakiklusin nito ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa pamumuno ng hepeng si Dennis Viaje na ihatid mismo sa kanilang mga tarangkahan ang kinakailangang food supplies para sa kanilang pamilya.

Mismong si Martin ay nagulat na idineliver na agad ang may 25 kilos na bigas sa mga miyembro matapos ang kanilang pag-uusap.

Kahapon ay sinimulan ng ideliver ang mga bigas para sa mga pedicab at tricycle drivers.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *