Customs employee huli sa kotong

NATIMBOG ng mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila International Container Port (MICP) ang isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) matapos tumanggap ng “under-the-table” cash.
Kinilala ang Customs employee na si Cesar Nierva, nakatalaga sa Entry Processing Unit (EPU).
Nahuling tumatanggap ng halagang P7,760 si Nierva na inipit sa pagitan ng mga dokumentong isinumite sa Entry Processing Unit (EPU) Import Office – BOC.
Sinabi ni Captain Allen Dalangin, PCG commander ng Special Deployment Force sa Bureau of Customs, na ang suspek ay dinala sa Enforcement and Security Service (ESS) – MICP para imbestigahan.
Sasalang sa inquest proceedings sa Manila Regional Trial Court (RTC) si Nierva na sinampahan ng kasong may kaugnayan sa administratibo at kasong kriminal.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “Customs employee huli sa kotong”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *