Criminal liability vs gov’t. officials na lumagda sa kontrata ng water concessionaires, sinisilip na ng DoJ

Pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang posibleng criminal liability ng mga opisyal ng pamahalaan mula sa nakalipas na dalawang administrasyon matapos na lumagda sa “disadvantageous” na water concession agreements sa Manila Water at Maynilad.
Ayon kay DOJ spokesperson Undersecretary Markk Perete, mayroong probisyon sa Graft and Corrupt Practices Act na nagsasabing hindi maaring pumasok sa isang kontrata ang mga government officials at employees na “disadvantageous” sa gob-yerno.
Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ipinagbaba-wal ng concession agreement ang pangingialam ng gobyerno sa rate-setting.
Magugunita na inaprubahan ang kontratang ito noon pang 1997 noong termino ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Ni-renew ito noong 2009 at 2010 nang si Gloria Macapagal-Arroyo ang Presidente.
Ayon kay Perete, mga opisyal ng Department of Finance noong mga panahon na iyon ang posibleng maharal sa criminal charges dahil sa mga paglabag ng mga ito sa batas.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *