Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon na mayroong 71 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mula sa bilang na 636 kahapon, pumalo na sa 707  ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 as of 4pm, Marso 26.
Nakapagtala rin ng pitong namatay sanhi upang umakyat sa 45 ang bilang na dating 38 lamang.
Mayroon ding dalawang nakarekober sa sakit kung saan nasa kabuuang 28 na hanggang sa araw na ito.
Samantala, sinabi ng kalihim na sang-ayon ito na nagkaroon ng breach sa protocol sa Makati Medical Center (MMC) dahil sa insidente ng pagpasok ng isang senador sa ospital kahit pa naka-quarantine ito matapos magpasuri sa COVID-19.
Aniya, hindi magbibigay ng special treatment ang ahensya sa pag-test sa mga COVID-19 PUIs dahil may sinusunod silang ‘first in, first out policy’ sa pag-test ng specimen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *