CLEARING OPERATION, SIMULAN SA HANAY NG PNP HINDI SA MGA SIYUDAD AT LUNGSOD

Cool na cool yet so calm ang bagong upong district director ng Manila Police District (MPD) na so Gen. Bernabe Balba sa lahat ng aspeto partikular na sa kanyang pananalita at kilos.
Ito ang napansin ng marami hinggil sa Heneral na bukod sa pagiging kalmado ay hindi nila narinig ito na nag-alsa ng boses at hindi rin nila nakitaan ng konti man lang na angas.
Ayon sa ilang opisyal na ating naka-panayam, isang bagay lang ang pinapag-bawal ni Gen. Balba at iyon ay bawal na bawal mabali ang kanyang pinapag-utos. Mahalaga daw dito na tupdin ang lahat ng kanyang direktiba sa anumang paraan.
Wala itong masyadong bokilya, bagama’t malumanay itong mag-salita ay nangungusap naman ang mga mata nito na para bang pinararamdam ang ibig nitong ipa-hiwatig.
Mas lalo daw nakaka-ilang ang ganitong klase ng opisyal na masyadong tahimik ngunit kapag tumining naman ay saksakan ng lalim na hindi mo basta-basta makakapa at maaarok.
Kung aksiyon naman ang pag-uusapan ay maraming nagugulat sa mamang ito dahil bigla ka na lang bababaan ng memo nito na may kalakip ng disciplinary action, wala ng salita at paliwanag.
Sa isang buwang pananatili niyang District Director ay mahirap pa rin itong tantiyahin kung galaw at palakad lang ang pagba-basehan.
Mas lalong mahirap na siya ay husgahan kung ito na talaga ang kanyang tunay na ugali at kung ito na nga ba ang totoong pagkatao niya.
Sa kasalukuyan ay ayos naman ang kanyang performance at palakad sa hanay ng kapulisan ng MPD, nandoon ang respeto at galang sa kapuwa na nagpapa-hiwatig na siya ay isang desente at marangal na Heneral. Kudos at mabuhay ka Gen. Balba…

MGA HIGANTENG MGA TARPAULIN SA MGA OVER-PASS SA MAYNILA,
DAPAT NA RING BAKLASIN…

Hindi natin masyadong napapansin ang mga higanteng tarpaulin ng mga commercial ads na naka-sabit sa kaliwa’t kanag bahagi ng mga over-pass sa Maynila partikular na ang over-pass sa Espana Blvd. kanto ng Blumentrit sa Quiapo, Manila.
Halos hindi na makita ang mga nagdadaang mga paseer-by sa over-pass na ito dahil sa nababalutan ito ng mga nagla-lakihang mga tarpaulin kalakip ang sari-saring mga commercial ads ng kung anu-anong produkto at kompanya.
Wala na ring sariwang hanging malalanghap kapag ikaw ay nadaan sa nasabing over-pass bunga nga ng mga higanteng tarpaulin na buma-balot dito.
Dapat bigyan din ng pansin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga tarpaulin na ito dahil malaki ang posibilidad na gawing taguan ito ng masamang mga elemento sa kadahilanang natatakpan ang nasabing over-pass ng malalaking tarpaulin.
Pwede ring isa-gawa ang anumang krimen dito tulad ng hold-up, snatching at rape lalo na pag kagat na ng dilim dahil nga sa hindi nagkaka-kitaan ang mga taong nasa ibaba agayundin ang mga taong nag-lalakad sa over-pass.
Hindi rin makikita ang lahat ng kaganapan sa ibabaw dahil nga sa natatabingan ng mag tarpaulin ang kaliwa at kanang bahagi nito.
Ito ang tunay na obstruction na hindi masyadong pansinin. Kung may clearing operation sa kung saan-saan lugar, itong mga over-pass na ito ang dapat unahin.
Di niyo ba napa-pansin na iilan lang at halos wala ng mga tao ang nagda-daan sa mga over-pass na ito, bakit kaniyo?Dalawang option o dahilan lang, maaaring natatakot at kina-kabahan o dili kaya’y sanhi ng katamaran pero ano man ang dahilan ay dapat na baklasin ang mga ito dahil hindi ito commercial space, illegal ini…

GREETINGS:
BELATED HAPPY, HAPPY 65TH BIRTHDAY TO CONG. JOAQUIN “SONNY” ANTONIO OF MARINDUQUE-2ND DISTRICT (TO BE ESTABLISH) HE…HE…HE. LAST THURSDAY, OCTOBER 31,2019. MAY YOU HAVE MANY, MANY MORE BIRTHDAYS TO COME, GOD BLESS AT MABUHAY KA! GREETINGS COMING FROM YOUR BROTHERS AND SISTERS FOR LIFE….

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close