TAX HOLIDAY SA PARAÑAQUE

Isa na sa pinaka-palpak na tanggapan ng pamahalaan ay itong Land Registration Authority (LRA) na isang attached agency ng Department of Justice (DOJ) at REGISTER OF DEEDS na kapwa may mandato na pangasiwaan ang pagtatala ng rehistrasyon sa pag-aari ng lupain dito sa ating bansa.
Base sa ating research, ang pangunahing tungkulin ng dalawang tanggapang ito ng gobyerno ay ito;
“Offices responsible for issuing decrees of registration and certificates of title and register documents, patents and other land transaction for the benefit of landowners, agrarian reform-beneficiaries and the registering public in general; providing a secure, stable and trustworthy record of land ownership and recorded interests therein so as to promote social and economic well-being and contribute to the national development”.
Napakaganda po kung susumahin ang kanilang tungkulin o job description lalo na ngayon na high tech na at fully authomated at computerized ang sistema.
Pero ‘wag ka, ang isang ordinaryong mamamayan na nagtutungo sa mga tanggapang ito ay sinasalubong ng mga opisyal at empleyado ng LRA at RD ng mga dayalogong hindi updated ang kanilang system na nagpapakahulugang palpak ang kanilang date record base.
So, sa makatuwid, inutil ang computerization program ng pamahalaan pagdating sa dalawang palpak na ahensiyang ito.
Pero to begin with, hindi lamang po ang LRA at mga RD offices sa buong kapuluan ang may ganireng kabulok na computerization system.
Going back sa LRA at RDs, marami po sa mga kababayan natin ang naoobligang pumatol sa sangkatervang “fixers” na nagkalat sa paligid ng mga nasabing tanggapan upang mapadali at mapabilis ang pagkuha ng kanilang mga kinakailangang dokumento o papeles.
Sa kalakarang ito umaarangkada ang kultura ng korapsiyon na nag-uugat sa kawalan ng sapat na kaalaman ng mga opisyal na nagpapatakbo ng mga nasabing ahensiya.
Kaawa-awa talaga ang mga taong nagpa-follow up ng kanilang mga titulo ng lupa at iba pang papeles kapag nagtutungo sa LRA at RD offices.
Kung wala kang kuwartang isusupalpal sa mga kupal na opisyal at empleyado ng mga tanggapang ito, aabutin ng siyam-siyam ang pagkuha mo ng mga dokumento dito.
Lalo na sa mga matatandang stakeholders na pari’t parito mula pa sa malalayong lugar dito sa ating bansa.
Ang iba nga ay inabot na ng kamatayan at tanging mga anak o iba pang mga kamag-anak ang nagpatuloy sa pag-follow up at pagmamakaawang makakuha ng mga titulo at iba pang kinakailangang dokumento.
Kaya naman napakarami tayong kaso ng land grabbing, double or tripple titling ng mga lupain at marami pang kagaguhan at scam tungkol sa lupa.
Panahon na marahil para sibakin ang mga magnanakaw na opisyal at empleyado ng LRA at RDs na malaon nang sumisipsip sa dugo ng taongbayan dahil sa kanilang mga katarantaduhan.
Kailangan na ring silipin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kagaguhang ito ng mga opisyales at empleyado ng mga nasabing tanggapan na direktang nakikipagsabwatan sa mga dambuhalang land grabbers gaya ng malalaking korporasyon na pag-aari ng mga kilalang pulitiko at malalapit sa kusina ng gobyerno.
May kasunod…
Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *