ILEGALISTA, SA ALAMINOS, LAGUNA UMAALMA!

MAY ultimatum na tatlong buwan na ibinigay si PNP- OIC Dir. General, LtGen. Francisco “Archie” Gamboa sa mga non-performing at kakaang-kang na bagong police chief at police officials .
Pagka-upong-pagkaupo pa lamang ni Gamboa bilang PNP-OIC noong nakaraang buwan, kaagad binalasa nito ang ilang regional at district commander, kaalinsabay ang babala na sisibakin ang binigyan ng mga posisyon na hindi magpe-perform sa loob ng tatlong buwan.
Nilitanya ni Gamboa ang mga bawal – numero uno ay ang pagprotekta, pag-coddler o pagtanggap ng suhol sa mga vice financer/operator.
Ngunit hindi nasusunod ang nais ni Gamboa dahil lantaran pa rin ang pagproprotekta ng ilang tiwaling pulis sa mga sugalan, prostitution houses, atbpa.
Tulad na lang diyan sa lungsod ni Mayora Joy Belmonte, wari mo’y ‘ligal’ na ligal ang operasyon ng jueteng, loteng at iba pang uri ng bisyo.
Para sa kaalaman ng PNP-OIC, wala pang ginagawang aksiyon ang itinalaga niyang bagong QCPD chief na si Col. Ronnie Montejo para sawatain ang illegal vices sa QC.
Para sa kaalaman pa rin ni Gamboa, isang nangngangalang Jesus Richard na kilala rin sa alias na Jesus at Jessie ang promoter ng vice operation sa lungsod.
Si Jesus Richard ay sumulpot si Camp Karingal at naghasik ng lagim sa lungsod ni Mayor Joy matapos matalagang QCPD director si Montejo.
Nagkagulo ang mga jueteng lords na sina TEPANG at TONY BOLOK matapos na sila’y tarahan o hingan ng lagpas langit na “protection money” ni Jesus Richard.
Nagreklamo din ang kapwa gambling lords na sina DING PALMERA, EDWIN MATTA, pergalan operator na si ALEX,; loteng operators na sina CONRAD, LITO MOTOR, CARLO, PAUL, ABEL, EDMOND, FIDEL at karera bookies financiers na sina VER BICOL at BOY ABANG at BOY EDMOND.
Akalain mong hingan sila ni Jesus Richard ng Php1 million grease money kada linggo kaya ang ending, takbo sa ilang protektor na heneral itong mga kolokoy na lords na ito para magsumbong. Ibinulgar din ng mga nasabing GLs sa mga working media ang kabulastugan ni Jesus Richard.
Sa kabuuang P1 million na kotong money, sinabi raw ni Jesus Richard na ang P900,000 ay para sa kanyang big boss sa Camp Karingal at ang Php100,000 ay sa kanya bilang illegal vice collector.
Hindi diyan natatapos ang problema ng mga GLs na kanyang hinihingan dahil humihingi pa raw ito ng karagdagang Php250,000 para sa big boss din sa Camp Bagong Diwa at Php 50,000 na “butaw” ay para pa din sa kanya.
Nakuh eh, dapat uriratin ni Montejo at NCRPO boss Brig, Gen. Debold Sinas ang mga sumbong na ito a galing mismo sa mga GLs sa QC.
Hindi natin batid kung pulis ba o sibilyan itong si Jesus Richard pero ang katotohanan, contrbutory siya sa patuloy na pagsadsad ng imahe ng QCPD na damay na ang PNP at Administrasyon ni Mayora Joy, dahil sa pakikipagkutsaba sa mga iligal na gawain na di naayon sa batas.
Ang illegal vices ay masama per se dahil saklaw ito ng umiiral na batas pero pinapayagan at kinukunsinti pa rin ng di iilan kapalit ng lagay o protection money.
Noong nanunungkulang QCPD Chief at isang PNP Colonel pa lamang ang ngayon ay PNP M/Gen. Guillermo Eleazar, hindi makaporma itong grupo nin TEPANG at TONY BOLOK, ngunit sa mga sumunod na pamunuan ng QCPD hanggang ngayon, ay namayagpag na ang mga naturang ilegalista.
Kaya’t mukhang kinukunsinti ni Montejo ang gawain nitong si Jesus Richard. Malinaw din na pasok siya sa ‘3-month period’ ultimatum para sa mga itinalagang police official na hindi nagpe-perform. Kung si Eleazar nga lamang ang mahihirang na new PNP Director General, tiyak isusumbong natin itong si Montejo.
Kung ‘di kikilos si Montejo, laban kay Jesus Richard sa paggawa ng ‘di naayon sa batas, tiyak din na di maglalaon ay na may bagong QCPD chief.
Yan ang siniguro sa atin ng isang top Camp Crame official.
***
Para sa komento:Cp # 09293453199, email:sianing52@gmail.com

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close