R.A. PAHATI CONSTRUCTION & SUPPLY INC. PATOK NA PATOK SA DPWH – CALABARZON

HINDI titigil ang pulisya ng Lungsod ng Pasay laban sa iligal na droga!
Iyan ang punto ni Col. Bernand Yang, hepe ng istasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Pasay, nang tanungin ko siya sa sampung nahuling tulak at adik sa shabu (methamphetamine hydrocholoride) ng kanyang mga tauhan mula Nobyembre 7 hanggang 8.
Pinakamaraming nadakip ang mga tauhan ni Col. Yang.
Ganito ang wika ni Col. Yang: “Tuluy-tuloy po ang ating kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad dito sa Pasay City. Ang ating kapulisan po ay hindi titigil sa operasyon kontra droga dahil nakalinya po ang aming programa sab ago naming Acting Regional Director na si BGen. Debold Sinas na iniuutos niya na lalo pang paigtingin ang aming kampanya laban sa droga at kriminalidad.”
Noong si Major General Guillerno Lorenzo Eleazar pa ang direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), walang humpay ang operasyon ng iba’t ibang yunit ng pulisya sa Metro Manila laban sa iligal na droga at iba’t ibang porma ng krimen.
Kamakailan, hinirang na hepe ng The Chief of Directorial Staff, si Eleazar.
Si Eleazar ang napapabalitang ipapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na PNP Chief.
Ang sumunod sa Pasay ay ang Taguig, Muntinlupa at Las Piñas na may tig-3 huli sa shabu.
Ikatlo ang Makati na nakasakote ng isa, samantalang ang Parañaque at Pateros ay walang nahuli.
Sigurado akong marami pang mahuhuli ang pulisya ng Pasay na mga sangkot sa iligal na droga, sapagkat idiniin ni Yang na hindi hihinto ang kanyang tauhan laban sa mga taong sangkot sa iligal na droga.
Si Yang ay Batch 1995 nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Noong hindi pa man si Yang ang hepe ng pulisya sa Pasay, madalas nang maraming nahuhuli ang pulisya ng lungsod.
Ngunit, hindi rin tumitigil ang mga tulak sa pagbebenta ng shabu.
Kaya, hindi marami pa ring adik.
Ito ang malaking hamon sa pamumuno ni Yang – ang madakip ang mga supplier ng shabu sa Pasay upang mapilayan ang drug syndicate na kumikilos sa Metro Manila.
Kaya, kailangang paghusayan ng intelligence unit ng PNP – Pasay ang trabaho nito.
Kailangang makipagtulungan ang tanggapan ni Col. Remus Medina, hepe ng intelligence unit ng NCRPO, sa intelligence unit ng Pasay upang matumbok ang shabu supplier sa Pasay.
Tiktikan din ng intelligence unit ang mga KTV Bar sa lungsod dahil balita ko maraming Intsik ang nagpupunta rito upang manood ng bold show.

***
Bukas ang kolum na ito sa inyong tawag at text sa: 0998 – 5650271

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close