MARIING sinabi ni Deputy Speaker Deogracias Victor Savellano na sobrang naaapektuhan ang local tobacco industry at nawawalan ng bilyong pisong buwis ang kaban ng bayan dahil sa talamak na cigarette smuggling sa bansa.
Ayon kay Savellano kung bubuwisan ng P35,000 ang kada pakete ng sigarilyo, mahigit na P107 million ng excise tax ang makokolekta ng gobyerno na maari gamitin para ponduhan ang Universal Health Care program.
“We have to stop these illegal activities, kawawa naman ang mga tobacco farmers natin…kawawa naman ang bansa natin,” sabi ni Savellano, presidente ng Northern Luzon Alliance sa Kamara at nagmula sa lalawigang kung saan pangunahing produkto ang tabako.
Sa nakaraang hearing na isinagawa ng House Committee on Ways and Means, ibinuyag ni Deputy Commissioner Teddy Raval ng Bureau of Customs (BOC) Enforcement Group na noong 2019, nasakote ng BOC ang may 6,134 master cases ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P1.6-billion.
Ayon kay Raval base sa pagkwenta, ang 6,134 master cases na naglalaman ng mahigit tatlong milyon pakete ng sigarilyo na bubuwisan ng P35 kada pakete ay maaring pumatak ng P107-million sa excise taxes.
Dahil dito, naghain ng House Resolution no. 79 si Savellano para sa imbestigasyon ng Kamara at nanawagan din sa mga otoridad na higpitan pang lalo ang pagsugpo sa mga mapagsamantalang indibiduwal na nasa likod ng talamak na iligal na pagpupuslit ng sigarilyo.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *