Cha-cha mahihirapang makalusot sa Senado

KUMPIYANSA si Senadora Cynthia Villar na dadaaan sa matinding proseso at konsultasyon ang isinusulong ng House of Representative na pagbabago sa Saligang Batas.
Ayon kay Villar, sakaling maiakyat ito sa Senado, mahihirapan itong agad na makapasa dahil dadaaan ito sa masusing konsultasyon sa publiko.
Giit pa nito na kapag ang usapin ng Cha-Cha o pagbabago ng Saligang Batas, maraming Pilipino pa rin ang tumututol dito.
Muling iniungkat ng senadora ang mga nakaraang administrasyon na sinubukang isulong ang Cha Cha subalit bigo dahil ayaw aniya ng taongbayan ang pagbabago sa Konstitusyon lalo na sa usapin ng pagpapahaba sa termino ng mga nanunungkulan.
Magugunitang inihain kamakailan sa Kamara ang pagsusulong sa pagbabago ng Saligang Batas na agad na tinutulan ng Makabayan bloc.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *