Ang Lungsod ng Caloocan ay hindi nagpahuli sa pag-aabot ng tulong, sinigurado natin na mabibigyan ng pangunahing pangangailangan ang mga kababayan natin na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal at kasalukuyang nasa evacuation center sa may Bauan Technical High School. Ang operasyon na ito ay pinamumunuan ni Mayor Oca katuwang si Cong. Along at ang mga kawani natin sa DRRMO at CSWD.
Tayo ay nakapagbigay ng banig, kumot, food pack, Senior Citizen Kit, Family disaster kit at trauma bags. Ito ay mismong inilahad na pangunahing pangangailangan ng mga kababayan natin sa Bauan, Batangas. Inihatid ang mga ito mula sa Caloocan City Hall North kaninang umaga patungong Bauan City Hall na sinalubong naman ng pasasalamat ng kanilang Mayor na si Hon. Ryanh Dolor at Cong. Bainto Aguinaldo.
“Ang importante ay nakapamahagi tayo ng tulong na naaayon sa tunay na pangangailangan ng mga nabiktima ng pagsabog ng Bulkang Taal. Nawa’y ang simpleng tulong na ito’y makabawas sa pinagdadaaanan ng mga kapatid natin sa Bauan, Batangas,” ani Mayor Oca.
Nagpasalamat din si Mayor Oca kay Obet Quizon, action officer ng cswd at Alex Nadurata, action officer ng cdrrmo na siyang kumatawan sa Lungsod ng Caloocan sa pagpunta sa Taal.(BS)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *