Caloocan may libre ng WiFi

Bago pa man matapos ang taong 2019, opisyal nang binuksan sa publiko ang libreng WiFi connection sa Caloocan.
Pinangunahan nina Coun. Enteng Malapitan, City Administrator Engr. Oliver Hernandez at InfiniVan President Enrique Yu ang pagpapasinaya sa WiFi kiosks na matatagpuan sa New Caloocan City Hall Complex at Caloocan City People’s Park.
Ang mga residente may dalawang oras na libreng internet connection mula sa internet provider na InfiniVan kada araw. Sa katunayan, isa’t-kalahating taon nang napakikinabangan ng mga mag-aaral sa University of Caloocan City ang libreng WiFi connection na malaking tulong sa kanilang pag-aaral.
“Tayo ay nagpapasalamat sa InfiniVan na katuwang natin sa proyektong ito. Talaga namang mapapakinabangan ito ng mga mamamayan sa pagharap natin sa makabagong teknolohiya,” ani Mayor Oca.
Ayon kay Mayor Oca, hangad niya na ang proyektong ito ay makaabot din sa North Caloocan at iba pang lugar sa lungsod sa susunod pang mga taon.(BS)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close