Ombudsman, Sandiganbayan gustong ipabuwag ng PACC

Sasailalim sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang dalawang miyembro ng gabinete na umano ay sangkot sa katiwalian.
Sa ngayon ay ayaw munang ibulgar ni PACC Commissioner Greco Belgica ang pagkakakilanlan ng 2 cabinet official.
“Our investigation cannot be revealed to the public until it has been submitted to the President. The President decides on it [and] then it can be opened to the public,” ayon kay Belgica sa isang press briefing sa Malakanyang.
“Ang investigation kasi doesn’t mean they’re already guilty. It’s unfair to mention them and make them appear na corrupt,” wika pa ni Belgica.
Ayon kay Belgica, ang PACC ay halos tapos na sa kanilang imbestigasyon na maghahain na lang ng kaso laban sa dalawang cabinet officials ngayon taon at isusumite na lamang ang resulta kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Office of the Ombudsman.
Gayundin aniya na ang dalawang kinilalang cabinet officials ay naging cooperative naman sa isinagawang imbestigasyon.
Binigyan diin ng PACC na may sinisiyasat din silang 15 nakaraan at susuriin ang kasalukuyang opisyal ng Philippine Charity Sweeptakes Office dahil sa kanilang pagkakasangkot kabilang ang lifestyle check na kanilang makokompleto na sa loob ng dalawa hanggang talong buwan.
Ibinulgar din ni Belgica na ang komisyon ay may pruweba na sa nasabing mga opisyal ng pamahalaan dahil umano sa labis na paglalakbay kasabay ng nagsasagawa ng imbestigasyon at lifestyle check sa kooperasyon ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Internal Revenue at ng Bureau of Customs. (Vanz Fernandez)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *