KALABOSO ang isang model-actor at kasama nitong babae matapos madakip sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City.
Kinilala ang nadakip na si Aaron Linde Cruz aka Aaron Villaflor, 25, ng MPlace condominium Mother Ignacia, Quezon City, isang model/product endorser, grand finalist ng ‘Gandang Lalaki’ at kasalukuyang lumalabas sa isang sikat na noontime show sa TV; at Geraldine Escoto Vitto, 22, ng Welfare Ville compound, Mandaluyong city.
Ayon sa PDEA, nadakip ang mga suspek 5:30 ng umaga kahapon ng mga elemento ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA SES) sa ilalim ni Director Levi S. Ortiz sa buy-bust operation sa 38th Avenue corner 36th Street, Barangay Fort Bonifacio,Taguig City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 15 plastic sachet na naglalaman ng 84 piraso ng ecstacy tablets, 2 transparent plastic sachet na powdered ecstacy, na may halaga na P301,000.00, walong piraso ng transparent plastic sachet ng powdery substance ng hinihinalang cocaine na may timbang na humigit sa 8 grams, at may street value na P72,000.00, at 7 bote na naglalaman ng colorless liquid substance ng liquid ecstacy na may volume na 420 ml. at tinatayang nasa na P84,000.00, 2 mobile phones, at isang kulay pulang Hyundai na sasakyan.
Aminado si Geraldine na sa kanya nakuha ang party drugs pero napag-utusan lang siya at pinadala ang order at hindi niya alam na droga ang kanyang dala.
(Boy Celario)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *