‘BUILD BUILD BUILD’ NI DIGONG SABLAY!

KINUMPIRMA kahapon ng administrasyon na mali ang mga proyektong naka-highlight sa tinaguriang “flagship projects” sa P8 Trillion kabuuang “Build, Build, Build” program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority President at CEO Vivencio Dizon na sa orihinal na 75 projects na inilatag noong 2016, dalawa lamang dito ang natapos. Ito ay ang improvement ng mga tulay sa Pasig River mula sa Delpan sa Tondo hanggang sa Napindan sa Taguig City at ang Polanggi River dredging.
Aabot din aniya sa mahigit 20 projects sa 75 flagship program ng Build Build Build ang hindi na itutuloy dahil sa kakulangan ng teknolohiya at hindi feasible pa sa ngayon.
Kabilang sa mga hindi na matutuloy ang ambisyosong proyekto na P18.2 kilometers na tulay na magkokonekta sa mga lalawigan ng Sorsogon at Samar na nagkakahalaga ng P375 Billion, pati na planong pagtatayo ng tulay sa Mindoro na mag-uugnay sa lalawigan ng Batangas.
Pero ayon kay Dizon, binago na nila ang lista-han.
Sa ngayon ay umaabot sa 100 flagship projects na ang naka-highlight sa Build Build Build program.
Sa nasabing bilang ay 38 proyekto ang target na matapos sa taon 2022, samantalang 22 ang dapat ay partially operational o substantial completion habang 48 proyekto ang inaasahang matatapos paglagpas ng taon 2022.
Bagama’t maraming proyektong pang imprastraktura na ikinasa ang kasalukuyang administrasyon, aminado si Dizon na matutupad parin ito.
Ito aniya ang dahilan kung kaya nagkukumahog ang kanilang hanay na matapos ang naturang mga proyekto. (Mula sa Radyo Inquirer)

  • 20
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    20
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close