Click to view for  full image

Suspended narin ang Lotto draws
dahil sa COVID 19

SABADO, Marso 22. Malungkot na araw Luzon, Visayas at Mindanao…
Patuloy parin sa pagtaas ang mga nahahawaan ng corona virus disease 2019. Sa pinakahuling ulat kahapon ng tanghali, umabot na sa 217 ang infected, habang 17 ang namatay. Inaasahang lolobo pa ito kapag nakumpirma ng Department of Health ang mga ulat mula sa mga ospital sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Kaugnay nito, isinailalim na sa ‘state of calamity’ ang buong bansa. Tatagal ito ng anim na buwan, ayon sa Malakanyang.
Sinuspinde narin ang lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) simula Marso 17 ng hapon dahil narin sa pagkadeklara ng Luzon-wide community quarantine or “total lockdown”, kungsaan di na pinapayagang bumiyahe ang mga pampublikong sasakyan, wala nang masakyan ang mga manggagawa.
Ang lockdown na nagsimula sa Metro-wide nung Marso 15 at pinalawak ng buong Luzon nitong Marso 17 ay tatagal ng isang buwan o 30 days, pero maaring mapaikli ito kapag nasawata agad ang pagkalat ng COVID 19 na nagsimula sa Wuhan City, China last year.
Ang pagbabalik ng lotto draws ay iaanunsyo kung kailan. Kaya wala munang tayaan ngayon sa mga betting station. closed.
Stop rin ang ‘online sabong’ ni Atong Ang. Wala ring horseracing o karera, sarado rin ang mga casino.
Pinasara rin temporarilY ang kontrobersiyal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ang sigurado ngayon ay mayroong jueteng sa Region 1, 2, 3 at Southern Tagalog, video karera, at iba pang “sugal lupa” naman sa Metro Manila. Ti-yak lalong lalakas ang tayaan dito.
Sigurado ring tuloy ang operasyon ng masiao sa Visayas at Mindanao kahit walang Suertres o EZ2. Meron kasi silang illegal jai-alai na ino-operate dati ni Atong Ang. Ewan kung sino na ang nagpapalaro ng pekeng jai-alai ngayon sa Visayas at Mindanao. Baka ang mga bata niyang Fil-Chinese na grupo ni V. Yu. Mismo!

Click to view for  full image

  • 18
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    18
    Shares

One thought on “Buhay Numero (03-22-20)”

  1. An fascinating dialogue is worth comment. I feel that you need to write more on this topic, it may not be a taboo topic but usually persons are not enough to talk on such topics. To the next. Cheers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *