Irerekomenda kay PDU30, Tugade...GO: MOTORCYCLE TAXIS DAPAT MAGPATULOY

Umapela si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga naninirahan sa 14-kilometer permanent danger zone mula sa bunganga ng Taal Volcano na makipagtulungan sa local government officials, law enforcers at national agencies, na nagpapatupad ng lockdown sa loob nito para na rin sa kanilang kaligtasan.
Ayon kay Go, wala naman siyang nakikitang mali sa implementasyon ng lockdown na ang layon ay tiyakin lamang ang kaligtasan ng mga residente na nagpupumilit pumasok sa danger zone ng bulkan.
“Sa pagpapatupad ng forced evacuation at lock down dahil sa patuloy na pag-alboroto ng bulkang Taal, inaasahan natin na ang mga local government units ang mangunguna sa pagpapatupad nito. Meron silang mas accurate at updated na hazard map at sariling DRRMC,” anang senador.
“Respetuhin natin ang ating mga pulis at ating militar. Ginagampanan lang po nila ang kanilang tungkulin po na isalba po ang buhay ng bawat Pilipino. Ayaw nilang may masaktan sa inyo. Sundin po natin sila ngayon,” aniya.
Nananatili ang alert Level 4 sa paligid ng Taal Volcano dahil sa patuloy na nararamdamang “weak to moderate steam-laden emission” sa crater nito.
Umapela rin siya sa mga residente na irespeto ang seismological findings at advisories ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa gitna ng mga kritisismo sa umano’y kakulangan ng information drive sa pagsabog ng Taal Volcano eruption.
“Sundin natin ang PHIVOLCS. Alam niyo, safety po ng kababayan natin ang dapat manguna. Ayaw namin na may masaktan, sundin lang muna natin at kung pwede naman pong bumalik ay pababalikin naman po kayo doon,” aniya.
“Sa pagpapatupad ng forced evacuation at lock down, inaasahan din natin ang mga LGUs na palaging sumangguni sa PHIVOLCS sa lahat ng oras. Merong Taal Volcano hazard map na ginawa ang PHIVOLCS. Base ito sa siyensya, mga datos ng nakaraang pagputok ng bulkan at pagsusuri gamit ang makabagong teknolohiya. Sa loob ng 14-kilometer permanent danger zone na ito inaasahan ang lava flow, ballistic projectiles, bay surge at iba pa,” dagdag ng senador.
Sinabi ni Go na nauunawaan niya ang mga residente sa kagustuhang makauwi na sa kanilang mga tahanan subalit ginagawa lamang gobyerno ang trabaho nito para na rin sa kaligtasan ng lahat.
“Naiintindihan ko po ang nararamdaman ninyo, gusto n’yo na pong balikan ang mga gamit ninyo na naiwan, subalit buhay po ng tao ang pinakamahalaga dito sa atin,” sabi ng mambabatas.
“Walang ibang hangad ang pamahalaan kundi ang inyong kaligtasan. Magtulungan at magbayanihan tayong lahat. Babangon tayo sa delubyong ito. Kaagapay ninyo ang pamahalaang tunay na may malasakit sa lahat,” anang sendor.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *