Bong Go sa mga nurse:... ‘DITO NA LANG KAYO SA ‘PINAS’ |

Sen. Go ikinatuwa ang paglagda ni PDu30 sa ‘Malasakit Law’ at pagtakda sa ‘BSK elections’

“MALAKI ang diperensiya ng suweldo sa abroad at dito, pero nais kong dito na kayo magtrabaho para hindi kayo malayo sa mga pamilya ninyo.”
Ito ang pakiusap ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga nurse sa bansa kasabay ng pagtiyak na patuloy niyang tutukan ang kapakanan ng mga ito, maging ang pagsasaayos ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan ng mga Filipino.
Ginawa ni Go ang panawagan sa kanyang speech bilang pangunahing panauhin ng 39th foundation at 38th annual convention ng Mother and Child Nurses Association of the Philippines, Inc. (MCNAP) sa Manila Hotel kamakalawa.
Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, ipinagtanggol ng senador sa deliberasyon ng mataas na kapulungan ang umento sa badyet ng Department of Health (DOH) na titiyak sa dekalidad at accessible na healthcare para sa lahat ng Filipino, gayundin sa maayos na kalagayan ng health wor-kers na kinabibilangan ng nurses.
Binigyan ng masigabong palakpakan at sigawan ng mga miyembro ng MCNAP si Sen. Go matapos niyang ibalita na isinama sa P4.1-trillion 2020 budget ang halaga para sa implimentasyon ng Supreme Court decision na ang suweldo ng government nurses 1 at 2 ay dapat na nasa salary grade 15 at 16.
Bukod dito, sinabi ni Go na naghain din siya ng panukala na itaas ang sahod ng civilian government employees, na kinabibilangan din ng mga nurse.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close